Most wanted sa murder timbog sa Malabon

Most wanted sa murder timbog sa Malabon

December 29, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bagsak sa kulungan ang isang mister na listed bilang most wanted sa kasong pagpatay matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Christopher Eslava, 48, mangingisda ng No.37 Del Rosario , Merville , Brgy Dampalit Malabon City.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt Ritchell Siñel ng Malabon police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PEMS Jerome Peralta ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Eslava malapit sa kanilang bahay dakong 1:40 ng hapon.

Ani PSMS Christopher Rodriguez, ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 292, Malabon City noong February 2, 2021 para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura