Most wanted sa panggagahasa, nabitag sa Navotas

Most wanted sa panggagahasa, nabitag sa Navotas

December 6, 2022 @ 1:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang lalaki na listed bilang most wanted dahil sa kasong panggagahasa matapos malambat ng pulisya sa One Time Big Time (OTBT) operation in relation to S.A.F.E. NCRPO sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Reagan Barrera, 39 ng 141 Galicia St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at mga tauhan ng IDMS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Barrera dakong alas-2:30 ng hapon sa Galicia St., Brgy. Bangkulasi.

Si Barrera ay dinakip sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong May 3, 2017 ni Judge Pedro T. Dabu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 286, Navotas City para sa kasong Rape. Boysan Buenaventura