Most wanted sa rape kalaboso sa Valenzuela

Most wanted sa rape kalaboso sa Valenzuela

November 23, 2022 @ 7:35 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinakip ng Valenzuela City Police ang isang lalaking na suspek sa panggagahasa at isa sa most wanted persons ng lungsod.

Ibinalibag sa selda si Jonathan Rodriguez, 29, ng Barangay Maysan, Valenzuela makaraang masakote sa Barangay Coloong, ng kaparehong siyudad.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant na inilabas ng Family Court Branch 16 ng Valenzuela City.

Walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na haharap sa kasong rape. Merly Iral