Most wanted sa rape sa Navotas, nabitag sa Bulacan

Most wanted sa rape sa Navotas, nabitag sa Bulacan

January 27, 2023 @ 2:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagwakas na ang pagtatago sa batas ng isang mister na wanted sa kasong panggagahasa matapos madakip ng mga tauhan ng Navotas police sa manhunt operation sa Bulacan.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Michael Auyong, 43 ng BLDG 1 Room 23 Social Pabahay, Brgy. Tanza 2, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na madalas umanong makita ang akusado sa Pulilan, Bulacan.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:05 ng hapon sa No. 15 Dampol 2 Pulilan Exit, Pulilan Bulacan.

Si Auyong ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170 noong April 10, 2021 para sa kasong Rape. Boysan Buenaventura