Most wanted sa robbery, timbog sa Navotas

Most wanted sa robbery, timbog sa Navotas

November 16, 2022 @ 3:05 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Bagsak sa kulungan ang isang 18-anyos na binata na listed bilang most wanted matapos maaresto sa isinagawang manhunt opertion sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si John Carl Nuestro, 18 ng Bldg 5 room 32 Pabahay, Brgy. Tanza 1, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Navotas police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Nuestro sa kanyang bahay dakong ala-1:30 ng hapon.

Si Nuestro ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Family Court Branch 4, Malabon City na may petsang September 28, 2022 para sa kasong Robbery under ART. 294 (Snatching). Boysan Buenaventura