Mosyon ni De Lima na isabit si Ragos sa drug case ibinasura ng CA

Mosyon ni De Lima na isabit si Ragos sa drug case ibinasura ng CA

September 7, 2022 @ 10:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Court of Appeals ang motion for reconsideration fna inihain ni dating Senator Leila De Lima na kumukuwestiyon sa hindi pagkakasama ni dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos bilang co-accused sa drug case.

Sa six-page resolution na may petsang July 20, sinabi ng Appellate Court na ang mga argumento ni De Lima ay “mere reiterations” ng mga punto at isyu na nauna nang natalakay. Wala umanong bagong isyu sa mosyon.

“We find no cogent reason to justify the modification, amendment, or reversal of our Consolidated Decision,” ayon sa korte.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni De Lima na na nagsagawa ang korte ng grave abuse sa hindi pagsama kay  Ragos bilang kanyang co-accused. Hindi rin umano ito pagkonsidera sa desisyon ng Korte Suprema sa De Lima vs. Guerrero.

Nilabag din umano ang kanyang right to equal protection nang ibasura ng RTC ang kanyang mosyon na isama bilang co-accused ang 13 convicts na itinalaga ng prosekusyon na witness laban sa kanya.

Sila ay sina Herbert Colanggo, Engelberto Durano, Vicente Sy, Jojo Baligad, Wu Tuan Yuan, Noel Martinez, Reynante Diaz, Jamie Patcho, German Agojo, Hans Antonio Tan, Joel Capones, Rodolfo Magleo, at Foilan Trestiza.

Samantala, sinabi ng korte na ang equal protection ay upang protektahan ang isang indibidwal  sa hurisdikyon ng estado laban sa intentional at arbitrary discrimination.

“In other words, the concept of equal justice under the law requires the state to govern impartially, and it may not draw distinctions between individuals solely on differences that are irrelevant to a legitimate governmental objective,” anito.

“Thus, so long as the classification rests on substantial distinctions which are germane to the purpose of the law, are not limited to existing conditions, and applies equally to all members of the same class, then the equal protection clause is not violated,” dagdag nito.

Nakaditine si De Lima sa Camp Crame mula 2017 dahil sa drug allegations sa New Bilibid Prison. Isa sa tatlong drug charges laban sa kanya ay ibinasura ng Muntinlupa Court noong Pebrero 2021.

Noong Mayo at Abril, binawi nina Ragos at self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang kanilang mga pahayag laban kay De Lima. RNT/SA