Mosyon ni De Lima sa pagbasura ng kaso sa droga, binasura ng Munti court

Mosyon ni De Lima sa pagbasura ng kaso sa droga, binasura ng Munti court

March 5, 2021 @ 3:26 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanindigan ang Muntinlupa City court sa mosyong ibasura ang kaso sa droga ni Senator Leila de Lima.

Sa ulat, dinismiss ni Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 205 ang ‘lack of merit’ ng motion for reconsideration ni de Lima na kinasasangutan ng kanyang driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

 “The court stands with its omnibus order that accused De Lima and Dayan must present their evidence to prove their innocence of the crime charged.”

“Si Ronnie Dayan kasi ang unang nakasalang na testigo, para sa kanya bilang akusado. At sinabi natin sa korte na karapatan iyon ng akusado at hindi puwedeng pigilan ninuman kung gugustuhin ng isang akusado na umupo para ilatag ang kanyang kuwento,” paliwanag naman ng abogado ni De Lima na si Rolly Peoro sa isang panayam.

“Ang sabi naman ng korte ay oo. Wala tayong karapatan para pigilan si Ronnie Dayan kung gusto niyang magsalita para sa kanyang sarili. ‘Yan ‘yung mga nangyari ngayong araw na ‘to so magkakaroon tayo ng hearing [sa] March 26 and April 16.”

Ipinunto rin ni Peoro na ihahanda na nila ang kanilang depensa tungkol sa desisyon ng korte laban sa kanilang apela.

Nakasaad dito na hindi natanggap ng senadora ang P10 milyon mula sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya ay justice secretary. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •