Motion for reconsideration ni Sereno, ibinasura ng SC

Motion for reconsideration ni Sereno, ibinasura ng SC

June 19, 2018 @ 12:30 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang apila ni former Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa quo warranto case petition laban sa kaniya.

Sa botong 8-6, tuluyan nang pinatalsik sa puwesto ng mga mahistrado si Sereno.

Ang pagtalakay sa apela ni Sereno ay kabilang sa walumpu’t anim na agenda sa en banc session ng mga mahistrado ngayong araw.

Ayon sa resolution na isinulat ni Associate Justice Noel Tiiam, sinabi niya na kulang sa merito ang apela ni Sereno.

Ipinag-utos naman ng mga mahistrado na maitala agad sa entry of judgement ang nasabing kautusan at wala na itong tatanggapin na anumang pleading na may kaugnay sa naturang kaso.

Muli ring ipinaalala ni Tiiam sa Judicial and Bar Counsil na agad simulan ang proseso ng paghahanap ng kapalit ni Sereno bilang Chief Justice.

Si Sereno ang kauna-unahang babaeng naging chief justice na napatalsik sa pamamagitan ng quo warranto case. (Remate News Team)