Motorbanca bahagyang lumubog, 41 pasahero sinagip

Motorbanca bahagyang lumubog, 41 pasahero sinagip

January 29, 2023 @ 4:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 41 pasahero at limang crew ng isang motorbanca na Jatropha sa baybayin ng Cabangon Bay, Barangay Salang, Balance, Palawan ngayong Enero 29.

Habang patungong Buliluyan, Palawan, ang starboard hull ng motorbanca ay  hinampas ng malaking alon dahilan para masira hanggang lumubog ang kalahating bahagi nito.

Nagsagawa ng search ang rescue operation ang PCG upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at crew na binigyan agad ng medical care at tulong sa kanilang pagdating Barangay Salang.

Pansamantala ring na-secure ng PCG team ang distressed motorbanca sa nasabing barangay. Jocelyn Tabangcura-Domenden