“Motorcycle Sticker System”, ipapatupad ng PNP

“Motorcycle Sticker System”, ipapatupad ng PNP

June 8, 2018 @ 12:49 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pangungunahan ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng sticker system para sa mga motorsiklo sa area ng Luzon upang maiwasan ang lumalalang kaso ng mga “riding-in-tandem”.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ito ay magiging epektibo ngayong Hunyo para sa Central Luzon at ipararating naman sa ibang lalawigan kung magiging maganda ang resulta ng programa.

Paliwanag pa ni Albayalde, isa ito sa mga nakikita niyang paraan upang masugpo ang pang-aabuso ng mga motorcycle-riding suspects (MRS). Pinag-aaralan pa rin ng PNP ang guidelines sa pagpapatupad ng sticker system.

“At least kahit papaano’ yung mga with criminal minds mahihirapan sila gumamit doon sa may sticker na ‘yon but it doesn’t mean kasi na porket may sticker na you’re free already from checkpoints or from being checked,“ dagdag pa niya.

Ayon sa datos na inilabas ng PNP Crime Information Reporting and Analysis System mayroong 1,008 motorcycle-riding suspects, simula October 11, 2017 hanggang May 21, 2018, 358 lamang dito ang identified habang 12 ang namatay at 51 naman ang naaresto. (Remate News Team)