Motornaper, kinarma; Naaksidente, huli!

Motornaper, kinarma; Naaksidente, huli!

June 23, 2020 @ 3:22 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Bulacan – Arestado ang lalaki matapos masangkot sa aksidente lulan ng nakaw na motorsiklo sa Rodriguez, Rizal kahapon.

Kinilala ang suspek na si Benjamin Alvarez, 21, construction worker at residente ng Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Sa report ni San Jose Del Monte acting chief of police, Lt/Col. Gil Domingo, isang Ethel Lozada, 33, caretaker ang nag-report sa kanilang istasyon na nawala ang kanyang motorsiklong MIO 125 habang nakaparada sa isang subdivision, bandang 12:05 ng madaling araw sa Brgy. Gaya-gaya nitong Lunes.

Ayon kay P/SSg Wenefredo Dalagan, Jr., agad nilang ini-report sa HPG ang insidente at nangalap ng CCTV sa lugar.

Dahil dito, napag-alaman nila na may kahalintulad na motor ang nasangkot sa vehicular incident sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal kaya agad silang nagsagawa ng follow-up operation.

Narekober sa lugar ang naturang motorsiklo at naaresto ang suspek.

Kaugnay nito, nahuli rin bandang 8:30 ng umaga nitong Miyerkoles sa follow-up operation ang kasabwat ni Alvarez na nagngangalang Rowie Perez, 26, sound system crew sa kanyang tirahan sa Graceville, SJDM.

Nahaharap sa kasong carnapping ang mga suspek na nakapiit sa himpilan ng pulisya sa SJDM. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •