Motornapper na de-kalibre bulagta sa mga pulis Bulacan

Motornapper na de-kalibre bulagta sa mga pulis Bulacan

August 1, 2020 @ 3:58 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang pinaghihinalaang motornapper matapos makaengkuwentro ang mga pulis na rumesponde sa San Ildefonso, Bulacan kagabi, July 31.

Sa report na natanggap ni Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, nakilala ang napatay na si Federico Sioson ng Brgy. Tikay, Malolos City.

Ayon sa report ni San Ildefonso acting chief of police P/Maj. Russel Dennis Reburiano, napatay si Sioson bandang 11:40 ng gabi sa Brgy. Makapilapil.

Aniya, may nag-report sa kanila na nagngangalang Carlo Mendoza na may riding-in-tandem na tinutukan siya ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio Soul.

Agad silang rumesponde sa lugar hanggang may mamataan ang naturang motorsiklo na nakilala ng may-ari lulan ang suspek na kanilang pinahinto.

Imbes umano sumuko ang lulan ng motorsiklo ay bumunot ng baril at sunod-sunod na pinaputukan ang mga pulis na humarang.

Ginantihan naman ng mga pulis ang mga putok na ikinamatay nito kalaunan.

Nakuha sa crime scene ang dalawang sachet na pinaghihinalaang shabu, cal.38, mga basyo at isang motorsiklo. Dick Mirasol III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...