Motorsiklo bilang PUV aprubado na sa Kamara

Motorsiklo bilang PUV aprubado na sa Kamara

February 1, 2022 @ 11:26 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sa isang unanimous vote, pasado na sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 10571 o Motorcycles-for-Hire Act na mag aawtorisa sa operasyon ng motorcycles bilang common carriers sa pagtransport ng mga pasahero at produkto.

Pinuri ni Samar Rep at House Committee on Transportation Chairman Rep Edgar Mary Sarmiento ang pagpasa sa panukala at umaasa ito na agad din itong aaprubahan ng Senado upang maipasa na sa Malacanang.

“The bill acknowledges the operations of transportation network companies (TNC) or on-line e commerce platform providers (OEPP) and directs them to exercise “due diligence and reasonable care in accrediting motorcycle-for hire operators and drivers under their respective platforms”ayon kay Sarmiento.

Ani Sarmiento hindi lamang matatali sa iisang TNC o OEPP ang isang MFH bagkus ay maaari ang “multi-homing approach” basta lamang sa iisang partikular na area of operations.

Sa ilalim ng panukala ay inaatasan din ang TNC at OEPP na magestablisa ng quick response mechanism upang agad na makasaksalo sa kanilang mga drivers na mangangailangan ng medical care dahil sa kanilang trabaho.

 Irerehistro ang motorcycles-for-hire sa Transportation Office (LTO) at ang  Department of Transportation (DOTr) ang syang magtatakda ng standards at specifications ng motorsiklo na syang papayagan na mag operate bilang public utility vehicles.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board angnsyang mag iisyu ng prangkisa para sa motorcycles-for-hire sa  metropolitan at urban areas gayundin ang magtatakda kung ilan motorsiklo lng ang papayagan sa bawat ruta ayon sa ipapasanag  route rationalization plan issued ng  DOTr.

Ang LTFRB din ang syang magtatakda ng pasahe at iba pang  transportation fees para sa  motorcycle-for-hire services.

Ang operasyon ng  motorcycles-for-hire ay sa pamamagitan ng digital booking platforms at maaarindin na maglagay ng mga terminals. Gail Mendoza