Motorsiklo, dumayb sa kanal; rider, patay!

Motorsiklo, dumayb sa kanal; rider, patay!

August 2, 2022 @ 12:50 PM 2 weeks ago


BENGUET- Tigok ang isang 42-anyos na vegetable porter matapos na mahulog sa kanal ang minamaneho nitong motorsiklo sa Sitio Pacac, Tadiangan, Asin Road, Tuba ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Reynante Samson Libao, may asawa, residente ng Coplo, Sablan, Benguet.

Nabatid na pauwi na ng Coplo, Sablan ang biktima galing Baguio City nang maaksidente ito.

Hinihinalang nadulas ang gulong ng motorsiklo ng biktima habang binabagtas nito ang kalsada kaya nahulog ito sa kanal kasama ang biktima.

Ang bangkay ni Libao ay natagpuan 70 metro ang layo mula sa kalsada matapos itong maanod doon sa kanal. Rolando S. Gamoso