Motorsiklo dumiretso sa punerarya, 1 patay

Motorsiklo dumiretso sa punerarya, 1 patay

January 18, 2023 @ 4:06 PM 1 week ago


CABATUAN, ISABELA-Sumadsad hanggang sa dumiritso sa hallway ng punerarya ang sinasakyan motorsiklo ng dalawang kalalakihan na kabilang sa nasawi at isa ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong sugat sa Saranay, Cabatuan, Isabela

Kinilala ang nasawi na backrider na si Rolly Ortiz, 33-anyos, may-asawa at residente ng San Sebastian, Ramon, Isabela habang ang nasugatan ay ang tsuper ng ng motorsiklo na si Dave Dela Cruz Catimpuyan, 28-anyos, binata at residente ng Daramuangan Norte, San Mateo, Isabela.

Ang mga biktima ay galing sa isang inuman sa Cauayan City at patungong Ramon, Isabela ng maaksidente ang mga ito.

Nawalan ng kontrol ang driver sa handle bar matapos na mapadaan sa pakurbang bahagi ng kalsada at nadulas sa highway ang motorsiklo na dumiretso rin sa hallway ng isang punerarya.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng malalang injury ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Dinala sa pagamutan ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Ortiz dahil sa malalang head injury habang si Catimpuyan ay nasa malubhang kalagayan na nasa kritikal na kondisyon. Rey Velasco