Motorsiklo ng magdyowa sinalpok ng trak todas 

Motorsiklo ng magdyowa sinalpok ng trak todas 

November 30, 2020 @ 7:05 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dead on the spot ang magkasintahan nang salpukin ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo kaninang tanghali sa Lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit, Traffic Sector 4, commander P/Major Marlon Meman ang mga biktima na sina Andrei Hernandez, 23 anyos, residente ng Mandaluyong City at kasintahang si Sanika Geron, 24, nakatira sa Punta, Sta. Ana, Manila.

Base sa imbestigasyon ni PCpl. Wagner Acquisio, may hawak ng kaso, dakong 12:30 ng tanghali  nang mangyari ang malagim na aksidente sa Aurora Blvd. near corner G. Araneta Ave., Brgy. Doña Imelda, QC.

Sa pahayag ni Analisa Lucas, ng Brgy. Doña Imelda Health Emergency Response Team, galing Sta. Ana ang magkasintahan sakay ng Honda Click Motorcyle  at papunta sana sa Cubao nang araruhin ng isang  Sinotruck Howa Tractor Head na may plakang 310355 na minamaneho ni Jericho Villarin.

Sa lakas ng impact ay kapwa tumilapon ang magkasintahan at napailalim sa truck at nagulungan sanhi ng agaran nilang pagkamatay.

Samantala, nasugatan din ang isa pang rider na si Marlon Resurrecion, nang mahagip ang kaniyang minamanehong Honda Wave Motorcycle na itinakbo naman sa ospital.

Nakapiit na si Villarin at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide with physical injuries at damage to property. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...