Motorsiklo sinalpok ng Hi-Ace; backrider todas!

Motorsiklo sinalpok ng Hi-Ace; backrider todas!

August 26, 2022 @ 5:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Todas ang backrider habang sugatan naman ang nagmamaneho ng motorsiklo nang masalpok ng rumaragasang Toyota Hi-Ace Commuter Van sa Quezon City, kaninang umaga.

Kinilala ang namatay na si Carlo John Castaneda, nasa hustong gulang habang sugatan naman ang rider na si Reynold Quirit Tabbada, 35, kapwa residente ng Singkamas St., Tumana Marikina.

Agad namang inaresto ang suspek na si Bien Ancit Villafuerte, 46, at nakatira sa No. 211A Ligas II Bacoor, Cavite driver.

Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, bandang alas-6 ng umaga (August 6), nang maganap ang aksidente sa Quezon Avenue Fly-over northbound sa Brgy. Bagong Pag-Asa, Q.C.

Sa imbestigasyon ni PSSg Romeo A Birog Jr ng Traffic Sector 6, kapwa binabaybay ng mga biktima sakay ng SYM Motorcycle at ng suspek na sakay naman ng Toyota Hi-Ace Commuter Van ang kahabaan ng EDSA Northbound Flyover galing sa Kamuning at patungong North Avenue.

Pagdating sa nasabing lugar ay nasalpok ng Toyota Hi-Ace Communter Van ang likuran ng motorsiklo dahilan upang tumilapon ang mga biktima.

Dead on the spot ang backrider habang agad na isinugod ang rider sa Quezon City General Hospital kung saan ito ginagamot ngayon.

Nakapiit na ang si Villafuerte na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damages to Property with Homicide laban at physical injury. Jan Sinocruz