MOU, nilagdaan ng PCOO at Ministry of Culture and Sports sa Korea

MOU, nilagdaan ng PCOO at Ministry of Culture and Sports sa Korea

June 6, 2018 @ 5:31 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Isang  Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng Presidential Communications Operations Office at ng Ministry of Culture, Sports and Tourism ng Republic of Korea kasabay ng official visit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Layon ng MOU na mapabuti ang kapasidad ng magkabilang panig sa larangan ng mutual staff visits, training and exchange sa broadcasting.

Nakasaad sa MOU na magkaroon ng joint o individual activities and programs para mapalakas pa ang kooperasyon ng dalawang panig.

Kabilang sa mga scope and limitations ng MOU ang pagtutok sa listahan ng mga proposed activities na mapagkakasunduan ng dalawang panig; ang naturang MOU ay preliminary in nature; hinihikayat ang magkabilang panig na pumasok sa mas maraming arrangements oras na nagkabisa na ang MOU; walang confidential information ang mailalabas sa 3rd party at hindi ginawa ang MOU para gumawa ng anumang legal obligations sa ilalim ng international law.

Ang naturang MOU ay mananatiling epektibo sa loob ng 3 taon at otomatiko itong mari-renew sa susunod na 3 taon maliban na lamang kung magpasya ang isang panig na suspendehin o tuluyan na itong i-terminate.

Binigyang diin ni Minister Do na kailangang masimulan na ang exchange program lalot ipagdiriwang ng Pilipinas at South Korea ang ika-70 taong anibersaryo ng diplomatic relations sa susunod na taon.

Nilagdaan ito nina PCOO Secretary Martin Andanar at Minister Do Jong-Hwan.

Matatandaan na isa sa mga maituturing na legacy ni Andanar sa PCOO ang patuloy na modernisasyon ng government radio at tv networks. (Kris Jose)