Move on o gunitain?: Sens nagsasalungatan sa 50th anniversary ng Batas Militar

Move on o gunitain?: Sens nagsasalungatan sa 50th anniversary ng Batas Militar

September 21, 2022 @ 3:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagkakasalungatan ang ilang mambabatas kung dapat bang gunitain o hindi ang ika-50 anibersaryo sa deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na nagresulta ng pagbagsak ng ekonomiya.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senador Jinggoy Estrada at Robin Padilla na dapat nang mag-move on sa Batas Militar kahit marami ang nagdusa sa panahon na ito partikular ang nakulong, napahirapan at pinatay.

Ayon kay Estrada, dapat nang mag-move on ang lahat dahil overwhelming umanoa ng mandato na ibinigay ng mamamayan kay Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr., nitong nakaraang halalan.

Tumakbong senador si Estrada kasama ang kapatid sa ama nitong si Sen. JV Ejercito sa ilalimm ng “UniTeam.”

“Move on na tayo,” he said, adding that the Marcos family have nothing to apologize for. “Now that Pres. Marcos garnered 31 million votes, palagay ko naman ‘di naman siguro naniniwala ang taumbayan. Siguro, minority naniniwala,” ayon kay Estrada.

Tulad din ni Estrada ang pananaw ni Padilla hinggil sa “martial law issue.”

“Para sa akin, mag-move on na tayo, mga anak,” ani Padilla.

Aniya, hindi dapat isisi sa anak ang atrocities ng ama nitong diktador na naganap sa panahon ng Martial Law.

“Kung may kasalanan man yung dating Ferdinand Marcos, Sr., hindi po kasalanan ng anak ‘yun. Wag po tayong ganon…. Pag hindi tayo nakaalis sa martial law issue na ‘yan, kelan pa tayo mag-go-grow?” aniya.

Ngunit, para namna kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, anak ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na pawang biktima ng Martial Law, kailangan palaging iniaalala at ginugunita ang madilim na bahagi ng ating kasaysayan.

“We should reflect at alalahanin natin that 50 years ago, a dark period descended upon our country because of the declaration of martial law,” ani Pimentel.

Ayon sa senador na kung hindi hihingi ng tawad ang pamilya Marcos sa pang-aabuso sa panahon ng Martial Law, dapat lang na ipaliwanag nila kung ano ang nangyari sa biktima at kanilang pamilya.

“I think they (victims), kung buhay pa sila or their families, they all deserve at least an explanation as to what happened,” aniya.

Sinabi ni Pimentel na mas magandng sabihin ang “move on” mula sa malagim na ala-ala ng Martial Law na maging mahalaga sa pangunahing karapatan ng mamamayan at matuto sa naturang karanasan.

“We should learn. Otherwise, meron ngang saying na we are condemned to repeat the past, yung mga pagkakamali natin, if we do not learn our lessons,” giit niya.

“Siguro ang pinakamagandang aral na dapat makita natin ay bigyan natin ng halaga ang demokrasya and democratic practices. Tulad ng halalan, regular na halalan, na tunay ha, honest, na reflective of the will of the people,” dagdag niya.

Giit niya na hidi na dapat pang mangyari ang pagkulong at pag-torture sa kanyang ama na nangyari noong panahon ng Martial Law.

Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na hindi dapat alalahanin lamang ang lagim ng Martial Law.

“It is not enough that we remember. Let us continue mediating, sharing, and learning from each other… We expect efforts and online trolling to undermine the significance of this day. It is then, the duty of each and every Filipino citizen to deny them their goals,” ani Hontiveros.

Naniniwala naman si Senador Sonny Angara na nakahulagpos na ang mamamayang Filipino sa naturang karanasan na may pangakong pahalagahan ang democratic values, pantayin ang antas at competitive economic playing field.

“But democracy requires a daily commitment and hungry stomachs may abandon it for other forms of government if basic needs are not addressed well,” paliwanag niya.

Ginugunita ang deklarasyon ng Batas Militar tuwing Setyembre 21, ang araw noong 1972 nang lagdaan ni Marcos Jr., ang Proclamation No. 1081 na nagtagal lamang hanggang Enero 1981 dahil sa malawak na paglabag sa karapatang pantao at dambuhalang pangungurakot ng pamilya Marcos.

Ayon sa ulat ng Amnesty International, isang global human rights watchdog na may 100,000 biktima ng Batas Militar na may 3,000 ang pinatay, 34,000 ang tinortyur at 70,000 ang inaresto.

Iniulat na umabot sa $5 hanggang $10 bilyon o aabot sa P500 bilyon ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos base sa World Bank-United Nations Office on Drugs and Crime’s Stolen Assets. Ernie Reyes