Movie poster ng ‘Tililing’ kinondena ng CHR

Movie poster ng ‘Tililing’ kinondena ng CHR

February 14, 2021 @ 4:54 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang movie poster ng ‘Tililing’ sa hindi pagpapakita ng kasensitibohan sa mental health issues.

“Bagama’t naniniwala ang CHR na mayroong artistic freedom ang mga manlilikha, ikinakabahala nito ang paglalabas ng poster ng pelikulang ‘Tililing’ na nagpapakita ng stereotypical at discriminating na imahe ng mga taong may iniindang mental health illnesses,” ayon sa CHR sa isang Facebook post.

“Marami sa ating mga kababayan ang nahaharap sa iba’t ibang mental health challenges na nahihirapang humingi ng tulong dahil sa stigma. Kung kaya’t  kinakailangan nating maging mas sensitibo sa pagtalakay ng isyung ito lalo na sa larangan ng mass media,” pagpatuloy ng komisyon.

“Marami nang miskonsepsyon na bumabalot sa usapin ng mental health at hindi makakatulong kung makakahon ito sa misleading na pagtingin,” dagdag nito.

Sa movie poster, makikitang naka-wacky na nakamulaga ang mga mata habang nakalabas ang dila nina Baron Geisler, Gina Pareño, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Candy Pangilinan at Yumi Lacsamana na mga bida sa nasabing pelikula.

Depensa naman ni Darryl Yap na siyang direktor at sumulat ng pelikula ay hindi dapat husgahan kaagad ang istorya nito.

“Lahat tayo ay may #Tililing,” ani Yap sa isang Facebook post.

“Mundo, Ito ang Pilipinas. [smiley face] Sino ang nangStereotype—ang poster o ang tumitingin. Sarili ang Suriin,” tugon naman ng movie studio Vincentiments sa CHR. RNT/ELM


  •  
  •  
  •