MP2 NG PAG-IBIG FUND, LUMAGO NG 95% NITONG 2021

MP2 NG PAG-IBIG FUND, LUMAGO NG 95% NITONG 2021

February 22, 2022 @ 8:30 PM 4 months ago


KAHIT nagpapatuloy ang coronavirus pandemic, lumago pa rin ng 95% ang pumasok na savings sa MP2 o ang Modified Pag-IBIG 2 Savings Program na katumbas ng 25.95 billion pesos ngayong 2021.

Nitong 2020 nasa P13.23 billion pesos lamang ang nakolekta. Indikasyon na nakakabangon na ang maraming Pilipino buhat sa hagupit ng pinaka-matinding health crisis na ating patuloy na nararanasan.

Ang MP2 Program ay isang special voluntary savings program ng Pag-IBIG Fund na may maturity period na 5 years na ang pinakamababang savings ay P500.00.

Ang inyong Agarang Serbisyo pati na rin mga anak ko ay nag-impok din sa MP2 dahil mas mataas ang interest rate at hindi kami nag-alala. Siguradong matatag ang Pag-IBIG Fund.

Lumago rin ang membership sa programa, naragdagan ng 42% mula sa dating 508,522 ngayon ay nasa 721,980. 

Noong nakaraang linggo, maraming katanungan ukol sa kung kailan pupuwedeng makuha ang kanilang naging kontribusyon o savings sa Pag-IBIG Fund saka-sakaling sila ay nawalan ng trabaho o hindi na nakapagpatuloy pa ng paghuhulog.

Maaaring makuha ang naiimpok kapag naka-20 taon na siyang miyembro o may 240 buwan na siyang hulog, kapag 15 years na may straight contribution o ang tinatawag na optional withdrawal, at kung 65 years old na ang miyembro.

Sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya, sana ay may magawang paraan para ipagpatuloy nila ang paghuhulog ng kanilang kontribusyon at balang araw ay may mapakinabangan sila. Kung voluntary member kasi ay Php 200.00 ang ihuhulog na monthly premium, habang hati naman kapag may employer.

Sa totoo lang, sa lahat ng financial institutions ng pamahalaan, tanging Pag-IBIG Fund lamang ang hindi pa humihirit ng pagtataas ng kontribusyon simula taong 1986.Tapos ay pinadali pa ang proseso dahil sa ‚ÄúVirtual Pag-IBIG‚ÄĚ.

Ito ang totoo! Maganda ang financial standing ng Pag-IBIG Fund. Kahit pa nasa COVID pandemic ang bansa.

Ang Fund ay nagbibigay ng sumusunod na benepisyo sa kanilang mga miyembro

  1. Savings na may taunang dibidendo

  2. Maaaring makapagloan sa maikling panahon

  3. Maaaring makapag- Housing Loan