MPD-11 ni-lockdown; higit 50 PNP personnel positibo sa COVID

MPD-11 ni-lockdown; higit 50 PNP personnel positibo sa COVID

March 15, 2021 @ 7:55 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Isinailalim na rin sa special quarantine lockdown ang Manila Police District-Station 11 ang halos 50 personnel nito.

Napag-alaman na alas-5 ngayong hapon ng i-lockdown  ni MPD Director Brig.General  Leo Francisco ang istasyon.

Batay sa datos mula sa MPD, nasa 46 ang nagpositibo sa COVID-19 swab test mula sa 121 na nagpasuri.

Nasa 38 naman ang kasalukuyang naghihintay ng kanilang resulta kung saan sila ay kailangang mag-quarantine  sa loob ng istasyon at Police Community Precint o PCP.

Isasagawa rin ang regular na disinfection habang hinihintay ang kanilang resulta.

Habang ang 37 na nagnegatibo sa swsb test ay magpapatuloy sa kanilang duty o trabaho.

Mayroon namang 30 personnel na augmentation na ipapakalat sa mga PCPs at sections na apektado ng contact tracing.

Suspendido rin ang iba pang transaksyon sa nasabing istasyon ng pulisya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)