MPD at PSA magkatuwang sa Philsys registration sa mga kapulisan

MPD at PSA magkatuwang sa Philsys registration sa mga kapulisan

September 12, 2022 @ 3:42 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakipagtulongan ang pamunuan ng Manila Police Districts (MPD) sa Philippine Statistics Authority upang magsasagawa ng Philippine Identification System Registration (Philsys) ngayong araw Setyembre 12 sa MPD headquarters.

Layon nito na magtatag Ng iisang national park dental for cation system para sa  lahat ng Pilipino at residenteng dayuhan sa bansa, alinsunod sa Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.

Nagsimula ito pasado alas 8 ng umaga  hanggang alas 4 ng hapon at bukas sa lahat ng miyembro ng kapulisan ng MPD at kanilang pamilya mula limang taong gulang pataas.

Kailangan lamang magdala ng valid government issued ID at original na kopya ng birth certificate mula sa local civil registrar o PSA.

Sa kawalan ng mga dokumento sa pagkakakilanlan sa itaas, ang orihinal na sertipiko ng barangay ay sapat na at tatanggapin.

Nagpasalamat naman ang PSA sa ibinigay na suporta at kooperasyon ng MPD sa pamunuan ni PBrig.General Andre Dizon kaagapay ang District Personnel and Records Management Division na si Chief PCol Samuel Pabonita. Jocelyn Tabangcura-Domenden