MPD Bike Patrol gumulong sa ilang lugar sa Metro Manila

MPD Bike Patrol gumulong sa ilang lugar sa Metro Manila

September 6, 2022 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagpakalat na ng mga bike patrollers o tourist police ang Manila Police District (MPD) na magpapaigting sa pagbabantay sa mga pasyalan sa lungsod ngayong ber months.

Sinabi ni Plt Jesie Yape Escalo ang hepe ng Tourist Police Unit ng MPD, na lahat ng mga “must-see” places sa lungsod ng Maynila ay iniikutan para siguruhin ang kaligtasan ng mga turista na namamaysyal sa lugar.

Ayon kay Escalo, malaking tulong ang sa kanyang tropa ang pagpatrulya gamit ang bike dahil mas madali silang makapasok sa mga maliliit na lugar at masisikip na kalsada sa Maynila.

Matatandaan na una nang ipinangako ni MPD district director P/Brig. Gen. Andre Dizon na mas mararamdaman na ang kapulisan sa Maynila bilang bahagi ng SAFE program ng PNP o ang Seen, Appreciated, Felt at Extraordinary program. Jocelyn Tabangcura-Domenden