MPD chief nagbitiw na rin sa pwesto

MPD chief nagbitiw na rin sa pwesto

January 6, 2023 @ 10:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagsumite na ng ‘courtesy resignation’ si Manila Police District Director P/Brig. General Andre Dizon kasunod ng panawagan ni Interior chief Benhur Abalos sa mass resignation ng colonel at general officials ng Philippine National Police.

Ipinakita mismo ni Dizon sa harap ng kanyang mga tauhan ang kanyang courtesy resignation na naging emosyonal pa habang ito ay inaanunsyo.

Ayon sa heneral, ipinadala na rin niya ang kopya sa tanggapan ng PNP at NCRPO.

Nauna nang sinabi ni Dizon na suportado niya ang hangarin ni Abalos na malinis ang hanay ng Pambansang pulisya mula sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Tulad ng sinabi ng PNP Chief at DILG, tuloy pa rin ang trabaho ni Dizon habang hindi naaprubahan ang kanilang courtesy resignation.

Sa ngayon abala ang heneral sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong Enero 9.

Panawagan naman niya sa iba pang opisyal na gayahin ito, pero boluntaryo at walang sapilitan. Jocelyn Tabangcura-Domenden