MPD director kakasa sa apela ng DILG sa ‘courtesy resignation’

MPD director kakasa sa apela ng DILG sa ‘courtesy resignation’

January 4, 2023 @ 7:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng ‘the game changer’ ng Manila Police District (MPD) na kakasa ito sa apela ni DILG Secretary Benhur Abalos sa mga high rank officials na magsumite ng ‘courtesy resignation’.

Kasabay ng kumpirmasyon ni MPD Police Brig. General Andre Perez Dizon sa panayam ng Remate Online ay suportado naman nito ang apela ni Abalos bilang bahagi ng kanyang anti-corruption, anti-criminality drive sa Philippine National Police o PNP.

Wala namang ibinigay na eksaktong petsa kung kailan magsusumite ng courtesy resignation si Dizon dahil abala pa ito sa paghahanda para sa selebrasyon ng Pista ng Itim na Poong Nazareno.

Sa inilabas na media release ng DILG, tinawag ni Abalos ang apela na ‘radical approach’ at sinabi na ito ay rekomendasyon ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr.

Ito umano ang tanging paraan upang linisin ang hanay ng pulisya sa kanilang “deep infection” sa banta ng droga.

Sinabi rin ni Abalos na ang pinakamahalagang kalalabasan ng naturang hakbang ay ang maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP habang walang tigil sa mga operasyon na may kinalaman sa droga.

Kabilang sa mga kailangang magsumite ng courtesy resignation ang PNP Colonels, Generals. Jocelyn Tabangcura-Domenden