MPD District Dir. Anduyan, hindi kukunsitihin ang nasakoteng kapatid na pusher!

MPD District Dir. Anduyan, hindi kukunsitihin ang nasakoteng kapatid na pusher!

July 31, 2018 @ 10:55 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi kukunsintihin ni Manila Police District Director Police Chief Superintendent Rolando Anduyan ang kanyang kapatid na naaresto  sa Iligan City matapos ang isang buy-bust operation.

Si Antonio Quiros Anduyan Jr., a.k.a. Zuye ay kinilala ni PDEA Region 10 Regional Director Wilkins Villanueva, na isang High value target at pangalawa sa watch list ng Iligan City.

Sinabi ni Anduyan na bagamat kapatid niya si Zuye ay inamin naman niyang hindi sila close dahil hindi sila lumaking magkasama.

Aniya magkapatid lamang sila sa ama at marami silang magkakapatid na iba- iba ang nanay.  Wala aniyang pakialam ang opisyal sa ginawa ng kapatid at wala siyang planong makialam sa kaso nito.

Giit pa ni Anduyan kahit anak niya ang masangkot sa iligal na droga  o sa kahit anong klase ng krimen ay hindi niya ito kukunsintihin at hahayaan niyang managot ito sa batas.

Nakaladkad ang pangalan ni Anduyan sa naturang kaso matapos maaktuhang nilalabag ni Zuye ang  Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)