MANILA, Philippines – Lumibot na ang mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa mga matataong lugar sa lungsod partikular sa mga malaking mall, lalo na sa Divisoria.
Ito ay kasabay ng paglungsad ng MPD ng Oplan Bandillo sa 999 Shopping Mall sa CM Recto Avenue at 168 Shopping Mall sa Soler Street, Binondo Manila.
Ayon kay MPD Director P/Brig. General Andre Perez Dizon, ito ay upang i-maximize ang police visibility bilang isang pagpigil sa krimen at upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa loob ng area of responsibility (AOR).
Naging normal naman aniya ang sitwasyon sa mga malls at sa Divisoria ngunit nagpaalala pa rin si Dizon sa mga tao at mamimili dito.
Paalala ng heneral, ingatan ang mga personal na kagamitan katulad ng wallet, cellphone at mga pinamili.
Siguraduhin din aniya na ito ay nasa ating pag-iingatng maigi at uniwas sa mga siksikang lugar o maipit sa karamihan ng tao.
Bukod sa masasamang loob na nais makisalamuha ay makakaiwas din sa anumang karamdaman lalo na sa banta pa rin ng COVID-19.
Samantala, nagbabala rin si Dizon sa mga mapagsamantalang mga vlogger umano na naghahanap ng kanilang content kung saan hinihikayat ang kanilang subject na ilalabas sila o ng kanilang vlog sa social media.
Ilan lamang uamno ito sa modus ng mga pekeng vlogger kung saan kapag nakapalagayang loob na Ang kanilang target ay saka dudukutan.
Paalala ni Dizon sa publiko, magdoble ingat ngayon dahil kadalasan na lumalabas ang mga masasamang loob tuwing Kapaskuhan.