MPD: ‘No security threat’ sa Nazareno 2023

MPD: ‘No security threat’ sa Nazareno 2023

January 4, 2023 @ 12:03 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang security threat o pagbabanta sa seguridad sa buong aktibidad lalo na sa mismong araw ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2023.

“Security threats as of today, wala kaming na-monitor na security threats”, pahayag ni MPD Director Brig. General Andre Dizon sa ginanap na press conference para sa #Nazareno2023.

Ayon sa ‘the game changer’, sa Enero 5  ganap na alas 3 ng hapon ay gagawin ang send off ng security forces.

Nasa tatlong libong personnel aniya ang ipapakalat ng MPD sa buong paligid Quiapo at Quirino Grandstand bukod pa sa 2,000 karagdagang puwersa mual naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Pagtitiyak pa ni Dizon na 24/7 ang kanilang pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto at pangkalahatang publiko.

Dagdag pa ni Dizon, ang MPD ay mananatiling professional at flexible kung saan bukas aniya ang kanilang linya palagi para maging matagumpay ang aktibidad na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden