MPD personnel ipinakalat sa Manila cemeteries bago mag-Undas

MPD personnel ipinakalat sa Manila cemeteries bago mag-Undas

October 24, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Handang handa na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa ikakasang Full Alert o  seguridad sa lungsod para sa nalalapit na paggunit ng Undas 2022.

Ipinakalat na ni MPD Director PBGen. Andre P. Dizon ang kaniyang mga tauhan sa Manila North Cemetery at Chinese Cemetery para masigurong walang mangyayaring anumang kaguluhan isang araw bago ang itinakdang deadline ng paglilinis sa mga sementeryo

Nakikipag-ugnayan naman ang MPD sa Makati City Police para tumulong na magbantay sa Manila South Cemetery kung saan makakatuwang nila ang ilang mga force multipliers.

Maging ang ilang pasyalan, malls at mga historical sites sa Maynila ay mahigpit rin babantayan ng mga pulis upang maiwasan ang anumang uri ng krimen.

Ang mga residente naman nakatira sa loob ng sementeryo ay inabisuhan na sumunod sa mga patakaran at tumulong na rin sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.

Pinaalalahanan naman ni PBGen Andre P. Dizon ang kaniyang mga tauhan na pairalin ang disiplina sa sarili,isa-puso at gawin ng tama ang kanilang trabaho. Crismon Heramis