MPD sa mga deboto ng Poong Nazareno: Desisyon ng Simbahan, gobyerno irespeto

MPD sa mga deboto ng Poong Nazareno: Desisyon ng Simbahan, gobyerno irespeto

December 28, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Irespesto ang desisyon ng gobyerno at Simbahan.

Ito ang pahayag ni MPD Brig.General Andre Dizon kaugnay sa umano’y puna ng ilang mga deboto sa pagbabago sa Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.

Sentimyento kasi ng ilan na bakit nawala ang prusisyon ng Traslacion samantalang naibalik naman ang mga konsyerto.

Ayon kay Dizon, baka hindi pa kayanin ng mga kapulisan ang biglang pagbuhos ng mga tao at deboto sakaling muling ibalik ang prusisyon matapos ang ilang taon na nasuspinde ang Traslacion dahil sa pandemya.

“Sinasabi Po natin na ‘faith’ po ang pinag-uusapan natin dito ngayon na baka hindi pa kayang pigilan ng mga security personnel natin kapag nagkabiglaan,” paliwanag pa niya.

“Sana po ipagpaumanhin ng ating mga deboto na tuloy na po yan kapag maayos po ngayong taon, sinabi naman ng ating lokal na pamahalaan na baka next year kasama na po ang imahe ng Nazareno,” dagdag pa ni Gen.Dizon. Jocelyn Tabangcura-Domenden