MPD: Traffic violation, disgrasya sa daan nabawasan sa NCAP

MPD: Traffic violation, disgrasya sa daan nabawasan sa NCAP

September 1, 2022 @ 8:32 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang traffic violation at road accidents sa Manila ng 90 percent at 62 percent base sa pagkakasunod matapos ipatupad ang no contact apprehension program (NCAP) sa lungsod.

Ito ay batay sa datos ng Manila Police District’s noong 2021.

Una nang sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na nagpapakita ito na ang patakaran ng NCAP ay nagpabuti sa sitwasyon ng trapiko ng lungsod at ginawa itong mas ligtas para sa mga motorista at pedestrian.

“The evidence shows that NCAP keeps traffic flowing smoother and faster and keeps motorists, bicycle users, and pedestrians safe on the city roads and streets,” ayon kay Lacuna noong Miyerkules.

Higit sa lahat, ang kasaganaan ng datos ay nagpapakita na ang NCAP ay lubos na epektibo sa pagpapanatiling maayos at mahusay ang trapiko sa lungsod habang pinoprotektahan din ang kaligtasan ng mga pedestrian at motorista,” dagdag niya.

Sa kabila nito, iniutos ng Korte Suprema ang pagsuspinde sa patakaran ng NCAP .

Sinabi ni Lacuna na susundin ng lokal na pamahalaan ang direktiba ng mataas na hukuman.

“Nevertheless, we are prepared to comply with the Supreme Court’s TRO while also taking measures to benefit all stakeholders even while NCAP is suspended,” dagdag ng mayora

Samantala, maglalagay din ang lokal na pamahalaan ng mas maraming traffic enforcer sa kalsada kasunod ng pagsususpinde ng NCAP.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)