Mpox bagong tawag sa Monkeypox-WHO

Mpox bagong tawag sa Monkeypox-WHO

November 29, 2022 @ 8:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Papalitan ang pangalan ng Monkeypox at tatawagin na itong mpox, ayon sa World Health Organization.

Ang hakbang ay upang maiwasan ang stigmatization na nagmumula sa umiiral na pangalan.

Natanggap ng Monkeypox ang pangalan nito dahil ang virus ay orihinal na natukoy sa mga unggoy na itinago para sa pagsasaliksik sa Denmark noong 1958, ngunit ang sakit ay matatagpuan sa isang bilang ng mga hayop, at pinaka-madalas sa mga rodent.

“Following a series of consultations with global experts, WHO will begin using a new preferred term ‘mpox’ as a synonym for monkeypox. Both names will be used simultaneously for one year while ‘monkeypox’ is phased out,” anang UN health agency.

“WHO will adopt the term mpox in its communications, and encourages others to follow these recommendations, to minimize any ongoing negative impact of the current name and from adoption of the new name.”

Ang sakit ay unang natuklasan sa mga tao noong 1970 sa Democratic Republic of Congo, na ang pagkalat sa mga tao mula noon ay higit na limitado sa ilang mga bansa sa Kanluran at Central Africa kung saan ito ay endemic.

Ngunit noong Mayo, ang mga kaso ng sakit, na nagdudulot ng lagnat, pananakit ng kalamnan at malalaking sugat sa balat na parang pigsa, ay nagsimulang kumalat nang mabilis sa buong mundo, pangunahin sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.

May 81,107 kaso at 55 pagkamatay ang naiulat sa WHO ngayong taon, mula sa 110 bansa. RNT