MPTC nakiisa sa selebrasyon ng World Children’s Day

MPTC nakiisa sa selebrasyon ng World Children’s Day

November 13, 2022 @ 12:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Lalagyan ng kulay asul na ilaw ang mga istruktura ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) para makiisa sa selebrasyon ng “World Children’s Day” na magpapahiwatig sa pagtukoy ng responsibilidad ng mga negosyo at pagpapatupad ng kanilang mga polisiya gayundin ang pagpapabuti ng programa para sa pagsulong ng karapatan ng mga kabataan.

Ayon sa MPTC, kaakibat sila ng UNICEF sa selebrasyon ng World Children’s Day na nagbibigay ng proteksyon sa lahat ng mga kabataan at isa sa mga sumusuporta sa pagresponde sa tawag ng UNICEF ng pagkakapantay-pantay at pagsasama-sama ng mga kabataan.

Sinabi naman ng president at CEO ng MPTC na si Rodrigo Franco, ang kanilang pagsuporta sa UNICEF sa selebrasyon ng World Children’s Day ay itinuturing nilang isang milestone sa kanilang kumpanya.

“MPTC prides itself in providing safe and convenient roads and highways, and necessarily, children accompanied by their parents who use our facilities. It is our responsibility to promote the right programs that would protect and enhance the convenience of these children,” ani Franco.

Lumagda ang MPTC ng multi-year agreement sa UNICEF upang makatulong sa pag-promote sa kaligtasan ng mga kabataan sa kalsada sa pamamagitan ng pagkakaloob ng suporta sa 100 eskwelahan sa mga high-risk areas na tinatayang aabot sa 20,000 kabataan base sa datos noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon pa din sa MPTC, na isang kumpanya na may misyon na ibalik ang magandang kabuhayan ng mga tao, ang buong MPTC Group ay magsisilbing isang daanan upang makamit ang mas ligtas at mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan sa pamamagitan na rin ng pagbubuo ng mga programa at polisiya na kumokonsidera sa karapatan at kaligtasan, paghikayat at pagpapaalala sa publiko na ito ay ating tungkulin na protektahan, alagaan at suportahan ang mga kabataan. James I. Catapusan