MRT-3 maglulunsad ng sariling contact tracing app sa  Jan. 18

MRT-3 maglulunsad ng sariling contact tracing app sa  Jan. 18

January 13, 2021 @ 6:24 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maglulunsad ng sariling contact tracing app ang pamunuan ng MRT-3 na tatawaging “MRT-3 Trace” sa darating na Enero 18, batay sa Department of Transport (DOTr).

“Starting January 18, passengers may use the DOTr MRT-3 Trace. But to give time for our passengers to familiarize themselves with the new app, full implementation will be on February 2021,” saad ni MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati.

Makatutulong aniya ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa app, ang mga pasahero ay magsasagawa ng scanning ng QR code sa kanilang cellphone. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...