MRT 3, nag-ala Wild River sa lakas ng tulo sa loob ng tren

MRT 3, nag-ala Wild River sa lakas ng tulo sa loob ng tren

August 8, 2018 @ 7:05 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Trending sa social media ang video na kuha sa MRT 3 kung saan ang mga pasahero ay may dalang payong sa loob ng tren dahil sa lakas ng tulo ng tubig kasabay ng pagbuhos ng ulan, kahapon (August 7).

 

Ayon sa uploader ng video na si Giselle Visitacion Tolosa, nakuhanan ang kalagayan ng mga pasahero dakong alas-4 ng hapon pagkapasok niya ng tren sa Boni Avenue Station sa Mandaluyong.

Makikita sa video ang malakas na tulo sa loob ng tren habang ang mga pasahero ay may hawak na payong para hindi sila mabasa.

Umabot na ang views ng video sa mahigit 19,000 kung saan hati ang reaksyon ng mga netizen.

May mga ginawa itong katatawanan at pabiro pang sinasabi na mala-rides ito sa mga themed park habang ang iba naman ay isinisi sa kurapsyon sa Pilipinas ang pangyayari.

Ayon kay JR Ocampo, “p*ny*t*ng korupsyon sa Pilipinas hindi natapos tapos..ang hahaba na ng mga sungay nyong mga h*y*p kayo sa kakakurakot nyo! HOY maawa at mahiya kayo sa mga pasahero nyo at sa taong bayan, lintik kayo maningil ng pamasahe tapos takot na takot kayo gumastos para ayusin o palitan ang mga sira at palyadong parte ng MRT na yan!”

Samantala, ang ibang netizen naman ay nag-alala sa maaaring peligrong hatid ng insidente sa mga pasahero.

“Omg! Baka makakoryente yan mga tao…powered by electricity n water from rain drops. Hope they will look at this problem before it will have an accident,” sabi naman sa comment ni Eloreb Fonollera. Remate News Team