MRT-3 OIC-general manager, director for operations itinalaga ng DOTr

MRT-3 OIC-general manager, director for operations itinalaga ng DOTr

July 15, 2022 @ 10:21 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ng Department of Transportation (DOTr) ang pinakamataas na opisyal ng MRT-3 bilang officer-in-charge general manager ng rail line.

“Senior top official Engr. Ofelia D. Astrera has assumed the position of OIC-General Manager of the DOTr MRT-3 on 01 July 2022, serving in her concurrent capacity as the Chief of the rail line’s Support Division (Technical Training)/Computer Section/AFCS Office,” saad ng MRT-3 sa Facebook post nitong Huwebes.

Ang isa pang opisyal ay itinalagang OIC director para sa mga operasyon.

“Likewise, Engr. Oscar B. Bongon has assumed the role of OIC-Director for Operations of the rail line, while serve in his concurrent capacity as the Chief of the Engineering Division,” dagdag pa ng MRT-3.

Ayon sa ahensya, ang dalawang opisyal ay bahagi ng core Project Management Office ng noo’y Department of Transportation and Communications MRT-3 (DOTC MRT-3) noong 1997 na nagtapos sa EDSA MRT-3 project.

Ang mga bagong hinirang na OIC ay mamumuno sa linya ng tren hanggang sa katapusan ng buwan o hanggang sa mapalitan ang mga ito, alinman ang mauna, alinsunod sa Memorandum Circular No. 1 ni Pangulong Bongbong Marcos. RNT