MRT-7 posible pang palawakin ng 2 istasyon sa Bulacan

MRT-7 posible pang palawakin ng 2 istasyon sa Bulacan

August 30, 2022 @ 12:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakakuha ng pangako mula sa Department of Transportation (DOTr) si Bulacan 6th district Rep. Salvador Pleyto Sr. para sa posibleng pagpapalawig ng Metro Rail Transit (MRT)-7 sa dalawa pang munisipalidad sa Bulacan – sa Norzagaray at Sta. Maria.

Naganap ito sa katatapos na pagdinig ng House Committee on Transportation kung saan dumalo si DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez bilang resource person.

Positibo ang tugon ni Chavez at binanggit ang tatlong opsyon para makamit ang kahilingan ng mambabatas ng Bulacan.

“We submit to the expertise of the department of which for these options that Undersecretary Chavez is discussing,” ani Pleyto, dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“The most realistic among these options, as far as we are concerned, is the possibility of extending MRT-7. We can ask the MRT-7 developer to extend its project from San Jose del Monte to Norzagaray and Sta. Maria, probably,” tugon pa ni Chavez.

Dagdag pa ni Chavez na posibleng maisakatuparan ito sa pamamagitan ng public-private partnership o PPP para sa layunin ng extension ng linya. RNT