MRT-7 train sets naipwesto na sa Commonwealth

MRT-7 train sets naipwesto na sa Commonwealth

September 11, 2021 @ 2:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ipinwesto na ang mga bagong train sets mula sa South Korea na gagamitin para sa MRT-7.

Sabado ng umaga, Setyembre 11 ay nakarating na ito sa Tandang Sora station ng MRT.

Pansamantalang na-okupa ang halos limang lane ng Commonwealth Avenue habang ibinababa ito sa trak na nagdala sa mga tren mula sa North Harbor sa Maynila.

Sa oras na matapos, mas mapadadali ng MRT 7 ang byahe mula sa North Triangle Common Station sa North Avenue, Quezon City hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan. Danny Querubin/Val Leonardo


  •  
  •  
  •