MRT issue at delayed driver’s license: DOTr dapat managot – COA

MRT issue at delayed driver’s license: DOTr dapat managot – COA

July 13, 2018 @ 5:44 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Isinisisi ng Commission on Audit (COA) sa Department of Transportation (DOTr) ang mahabang pila at siksikang mga pasahero ng MRT station.

Ito ay dahil sa mga delayed expansion project ng Chinese company na Dalian Co Ltd.

Sa inilabas na 2017 audit report ng DOTr,  aabot sa mahigit P3.7 billion ang biniling 48 light rail vehicles (LRV) mula sa Dalian Co Ltd ang delayed na ng halos isang taon simula pa noong December 31, 2017.

Dahil dito, sinasabing aabot na sa mahigit P1.2 billion ang gastos sa mga damage gaya ng glitch sa power supply, signaling system compatibility at marami pang iba.

“As a result, long queues and overcrowding of passengers in Metro Rail Transit stations were not cushioned, thus affecting the welfare of the riding public and contributing to the decline in passenger ridership,” pahayag ng COA.

Itinuturo rin ng COA ang problema sa kakulangan sa onboard Automatic Train Protector ng mga LRV, bilang parte ng signaling system na kumokonekta sa mga driver ng tren at sa control center.

Samantala, kinastigo rin ng COA ang delayed na mga driver’s license, validation stickers at plate year tags ng DOTr

Sa inilabas na report, aabot sa 2,498,144 ang hindi pa nabibigyan ng lisensiya habang nasa 1,216,569 ang wala pang validation stickers at 1,506,116 ang di pa nakakakuha ng plate year tags. (Remate News Team)