MRT3 walang biyahe mula Oktubre 31-Nobyembre 2

MRT3 walang biyahe mula Oktubre 31-Nobyembre 2

October 29, 2020 @ 11:35 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Suspendido ang biyahe ng Metrorail Transit Line 3 (MRT3) mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP,” ayon sa Twitter post ng DOTr.

Anila, papalitan ang 34.5 kilovolt alternating current switch gear kung saan dumadaloy ang kuryente mula Meralco power source sa Balintawak at Diliman depot.

“Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa bansang Hapon,” dagdag ng DOTr. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...