Ms. Philippines Samantha Panlilio, ligwak sa Ms. Grand International, Ms. Vietnam, kinoronahan!

Ms. Philippines Samantha Panlilio, ligwak sa Ms. Grand International, Ms. Vietnam, kinoronahan!

December 6, 2021 @ 8:00 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Tapos na ang “kampanya” ni Samantha Panlilio para makuha ang mga boto ng mga hurado sa Miss Grand International na ang coronation night ay idinaos nu’ng Sabado, December 4, sa Bangkok, Thailand.

Ni hindi napabilang si Samantha sa Top 20. Ang nagwagi ng titulo ay si

Thien Thuc Thuy Nguyen ng Vietnam.

Pero marami ang nagulat na ‘di man lang napasama sa Top 20 si Samantha gayung “very promising” ang performance n’ya nu’ng preliminaries.

May reports din na “Samantha stole the show on November 30 with her gold, butterfly-inspired national costume. She was also included among the top five rfinalists for Best in Swimsuit.”

Maraming umasang mapapanalunan niya ang titulo dahil naging first runner-up ang kinatawan natin nu’n na si Samantha Bernardo.

Ang apat na runners up ay sina: 1st runner-up Andrea Victoria Aguilera;

2nd runner-up Lorena Goncalves, 3rd runner-up Vivianie Diaz Arroyo, and Puerto Rico, 4th runner-up.

Samantala si Tien, 23, ay isang hospitality management student na naging Miss International Vietnam in 2018.

She succeeds USA’s Abena Appiah, who won the crown in March. Danny Vibas