Ms U 2022 Celeste Cortesi, inokray, may panawagan sa fans!

Ms U 2022 Celeste Cortesi, inokray, may panawagan sa fans!

August 4, 2022 @ 2:13 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Aware si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na iniintriga siya ng mga Thai pageant fans.

Pilit kasi silang pinagsasabong ng kinatawan ng Thailand na si Anna Sueangam-iam na makakalaban ni Celeste.

Katunayan na dumaranas ng paninira ang ating kinatawan ay ang mga inilathala ng talkmissthailand tungkol sa niretokeng hitsura ni Celeste.

Pinagtabi kasi nito ang kanyang mga larawan noong sumali siya sa Miss Earth 2018 at noong magwagi siya sa MUP.

As if it’s not enough to discredit her, tinatawag na Miss Universe Tattoo si Celeste dahil sa mga tattoo niya sa katawan.

Pero ang pinakamatindi ay ang inilabas nitong litrato kung saan nag-guest si Celeste sa Wowowin noong 2018.

May malisya kasi ang caption doon na, “Hi, daddy, I am Celeste Cortesi.”

May bahid nga naman ‘yon na nakakasira sa iniingatang reputasyon ni Celeste.

Mismong ang Natchaya Clinic sa Thailand ang nagsabing sumailalim sa cosmetic surgery ang pambato ng Thailand.

Pinalalabas ng mga Thai pageant fans na isa ring produkto ng Salamat po, doktor si CelesteĀ Ā bagay na salat sa katotohanan.

Sa kabila ng paninira sa kanya, nakiusap si Celeste sa kanyang mga tagasuporta na huwag na lang patulan ang hate campaign laban sa kanya.

As in every year ay mataas ang expectations sa mga kinatawan ng Pilipinas at Thailand.

Pero hindi sila dapatĀ Ā pag-awayin ng mga fans dahil ang mga kandidata mismo ay nakakabuo ng pagkakaibigan throughout the pageant. Ronnie Carrasco III