Ms. U Armenia Nane Avetisyan, ‘sinakyan’ si Ms. U Philippines Beatrice!

Ms. U Armenia Nane Avetisyan, ‘sinakyan’ si Ms. U Philippines Beatrice!

December 7, 2021 @ 3:25 PM 10 months ago


Eilat, Israel – Kapwa national beauty titlist kaya n’ya ang susunod na magiging girlfriend ng kasalukuyang Miss Universe Philippines na si Bea Luigi Gomez, na ”di naman ikinaila (at least sa Pilipinas) ang pagiging kabilang n’ya sa LGBT community?

Nag-enjoy ang madlang Pinoy na mahilig sa beauty pageants sa ipinost mismo ng Miss Universe Organization na video nina Miss Philippines at Miss Armenia Nane Avetisyan nung December 5.

Ang in-upload ay 39-second video na naka-piggyback ride si Miss Armenia kay Miss Philippines. Kuha ito sa Eilat, Israel kung saan nagkaroon ng off-road event ang Miss Universe candidates.

Magkasama sina Beatrice at Miss Armenia sa isang ATV (all-terrain vehicle).

Sa gitna ng Miss Universe sideline event, parang  tumigil muna sila sa disyerto upang mag-pictorial.

Sina Beatrice at Nane naman ay may kinaaliwang gawin—kinarga ng una ang huli sa isang maiksing video.

Caption sa post, “Always ready for a photo op! #missuniverse”

Dahil sa malikot na pag-iisip ng mga Pinoy, kung anu-anong nakakatawang komento ang ibinahagi ng ilang netizens sa post.

Sabi ng iba, “korona” dapat ang puntiryahin ni Beatrice at hindi “love life.”

Kakahiwalay lang ni Bea sa relasyon nila ni Kate Agdon na tumagal ng pitong taon.

Biro pa ng isang netizen, “Bea, crown ang iuuwi ah?”

Meron ding ang comment ay sabay na iuwi ni Bea ang Miss Universe crown at bagong girlfriend!

Ang daming ganu’n ang mga comment. Ibig kayang sabihin nu’n ay tanggap na tanggap na ng mga Pinoy ang woman-to-woman relationship?

Teka, alam kaya ni Miss Armenia na miyembro ng LGBT community ang Miss Philippines?

Actually, ni-repost ni Nane ang video sa Instagram n’ya. At ang caption na nilagay n’ya ay “My new partner in crime.”

Oo nga pala, malamang na alam ng Miss Universe Organization na kasapi sa LGBT si Bea Luigi. Walang kaso sa kanila ang ganu’n. Kahit mga transgender na official candidate mula sa kung anomang bansa ay matagal nang tinatanggap sa Miss Universe pageant. Danny Vibas