Ms U Philippines Beatrice, lilipad sa Israel, may chance makuha ang korona!

Ms U Philippines Beatrice, lilipad sa Israel, may chance makuha ang korona!

November 25, 2021 @ 11:19 AM 3 days ago


Manila, Philippines – Sa November 27 na lilipad papuntang Israel ang kakaibang Miss Universe representative natin ngayong 2021 na si 2021 Beatrice Luigi Gomez. Kakaiba siya dahil open na open siya sa pagiging miyembro n’ya ng LGBT.

Makikipag-compete siya sa Israel para sa titulong Miss Universe Philippines 2021 pero gagawin n’ya ‘yon na malamang na ‘di na suportado ng girlfriend n’ya for six years na si Kate Jagdon, isang Cebu-based performance disc jockey.

Break na sila ni Kate. Tinapos na ni Kate ang usap-usapan tungkol sa napapabalitang breakup nila ni Bea. Ini-announce ‘yon mismo ni Kate nu’ng Martes, November 23, sa kanyang Instagram. Pero hindi binanggit ni Kate kung ano ang dqhikan  ng kanilang breakup.

Batay sa pahayag ni Kate, lumalabas na ilang linggo na silang hiwalay ni Bea pero pinili niyang manahimik muna.

Minarapat daw ni Kate na maglabas ng pahayag para hindi na kumalat ang anumang maling balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Bea.

Samantala, idaraos ang grand coronation ng Miss Universe 2021 sa Universe Arena sa Eliat, Israel, sa December 12.

Tinanong ng PEP. ph reporter na si Jojo Gabinete si Miriam Quiambao tungkol sa tsansa ng isang openly-gay contestant na gaya ni Bea sa Miss Universe.

Si Miriam ang hinirang na 1st runner-up sa Miss Universe 1999 na idinaos sa Trinidad and Tobago noong May 26, 1999.

“Ang Miss Universe naman, parang open na rin sila, so she could have just as much chance as any other straight woman, I think,” sagot ni Miriam. Danny Vibas