MSMEs susuportahan, makikipagsabayan sa e-commerce

MSMEs susuportahan, makikipagsabayan sa e-commerce

January 23, 2023 @ 4:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Gumagawa na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng ilang hakbang upang makasabay ang mga maliliit na nesosyante sa modernong takbo ng pagnenegosyo.

Sa Laging Handa Public briefing, inihayag ni DTI Assistant secretary Glenn Penaranda na mayroon silang binubuong concierge of services na maaari aniyang i-tap ng mga MSME’s para  makabilang sa mundo ng e- commerce.

Puwede rin aniya na lumapit sa kanilang tanggapan sa ibat-ibang lugar sa bansa para matulungang magkaroon sila ng digital assets, website, pictures at ng sa gayon ay mapabilang sa online market places.

Kabilang din aniya  sa kanilang ginagawang priority project ay ang Digital market place  kasama ang DICT.

Sa kasalukuyan, iniipon na nila ang impormasyon mula sa ibat-ibang mga kompanya na maaaring ilagay sa digital market place at mula rito ay magkakaroon sila ng impormasyon tungkol sa financial transaction  na magiging basehan aniya nila sa pagbibigay ng financial support sa mga MSMEs. Kris Jose