MSWD employee sa Isabela binaril ng pikon na barangay captain

MSWD employee sa Isabela binaril ng pikon na barangay captain

October 1, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


JONES, ISABELA- Hanggang sa ngayon ay nagpapagamot pa sa hospital ang isang empliyado ng Municipal Social Welfare Development o MSWD employee matapos na pagbabarilin ng barangay captain ng Payac, Jones, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Emerson Mallabo, 30-anyos, may asawa, MSWD employee ng LGU Jones habang ang pinaghihinalaan ay si Agustin Labugen, Brgy. Kapitan ng Payac, Jones, Isabela at kapwa residente ng naturang lugar.

Batay sa mga nakakita, linapitan ng biktima ang suspek sa bahay ni Brgy. Kagawad Narciso Viernes Jr. dala ang ilang dokumento.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa napikon at ilabas ng suspek ang kanyang baril at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Agad namang dinala sa Southern Isabela Medical Center o SIMC ang biktima habang tinutugis pa ang pinaghihinalaan na agad tumakas pagkatapos ng pamamaril nito. Rey Velasco