Mt. Kamuning ‘sikat’ kahit sa ibang bansa

Mt. Kamuning ‘sikat’ kahit sa ibang bansa

June 29, 2022 @ 10:37 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinuna ng isang diplomat sa Twitter ang mataas na pedestrian footbridge na dumadaan sa riles ng MRT-3 at ilang kable sa EDSA.

Kamakailan lang nang nag-tweet si Consul General Dirk Janssen ng isang larawan ng footbridge na may caption na: “There is no better way to make it clear to pedestrians that they don’t matter.”

Si Janssen ay consulate general sa San Francisco sa US.

Ang nasabing footbridge ay una nang tinawag ng netizen na “Mt. Kamuning” at “Stairway to heaven” dahil sa sobrang taas nito.

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi angkop ang foot bridge para sa mga persons with disabilities (PWDs) at senior citizens.

Gayunpaman, sinabi ng ahensya na ang footbridge ay ginawa upang maiwasan ang mga aksidente sa EDSA.

Nauna na rin nitong sinabi na ang footbridge ay may tamang sukat at distansya mula sa MRT-3 na dumadaan sa ilalim nito.

Sinabi ng MMDA na isinasaalang-alang din nito ang paggawa ng underpass. RNT