Mt. Kanlaon nag-alboroto na naman, 12 pagyanig naitala

Mt. Kanlaon nag-alboroto na naman, 12 pagyanig naitala

September 15, 2022 @ 7:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng 12 volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na magdamag iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig, naitala rin sa alert level 1 ang bulkang Kanlaon.

Sinabi pa ng Phivolcs na naitala rin ang pagbuga ng mahinang usok sa bunganga ng bulkan na may taas na 100 meters sa bahagi ng timogsilangan.

Kaugnay nito mahigpit din ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Nabatid pa sa ahensya na ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. Santi Celario