Mudiay, #rejected sa paghingi ng jersey ni D-Wade

Mudiay, #rejected sa paghingi ng jersey ni D-Wade

April 1, 2019 @ 8:07 AM 3 years ago


United States – Nakasanayan na ni Dwayne Wade na ipa-trade ang kaniyang jersey sa kalaban niyang team tuwing pagtatapos ng season.

Gayunpaman, tila hindi basta-bastang ipinamimigay ni Wade ang kaniyang jersey gayong tahasan niyang tinanggihan ang panghihingi ni Emmanuel Mudiay ng Knicks sa kaniyang huling paglalaro sa Madison Square Garden. 

Nang tumunog kasi ang final buzzer upang ipabatid ang pagkapanalo ng Heat kontra Knicks, 100-92, agad na pinagkaguluhan ng mga player at reporter ang future Hall of Famer upang batiin ito sa kanilang pagkapanalo.

At sa kalagitnaan ng pagbati, hindi nagsayang ng oras si Mudiay at agad na hiningi ang jersey ni Wade.

Kitang-kita ng mga viewer ang pag-alok ni Mudiay kay Wade na makipag-trade ng jersey ngunit sinabihan lang siya nito na, “I’m already giving it away.”

Hindi naman sinabi ni Wade kung sino ang naunang humingi ng kaniyang jersey.

Kahit na tinanggihan ni Wade, naging maganda naman ang laro ni Mudiay sa naitala niyang 24 points, 5 rebounds, at 4 assists para sa Knicks.

Ito na ang ikaanim na magkakasunod na pagkatalo ng Knicks./Remate News Team